BAKIT GREEN ANG BLACKBOARD?!
October 7, 2007 at 2:23 am
Bakit nga ba green ang black board samantalang ang white board ay white? (Marahil ay hindi mo nabasa ang last word, gets mo naman siguro)
Sa isang buong semester - unang semester ko sa college, iba't ibang uri ng blackboard ang nakaharap ko. May puti, may dirty white at may green pero wala pa kong nakikitang black.
Marahil alam mo na ngayon kung gaano ako kabored sa ilan kong klase dahil pati mga blackboard ay napapagdiskitahan ko na. Oo. May tama ka. Limang buwan. Limang buwan ng pagkaduro. Limang buwan ng pakikibaka. Limang buwang halos walang mabuting naibunga sa maikling pananatili ko dito sa mundo. Meron pala, pero konti lang kung ikukumpara sa mga kabalbalan. Hay.
Nagtataka nga ako kung paano natatgalan ng iba kong mga kaklase ang ganoong sistema. Maaari naman nilang ilaan ang oras nila sa pagbabasa na lang ng comix o tabloid para hindi ito masayang. Tsk, tsk.
Tatlong klase din ang di ko pinasukan. Opo, nagcut na ko ng class. Sorry na. Pero minsan hindi niyo rin naman masisisi ang mga estudyanteng pinipiling mahiga na lang sa boarding house kesa maupo sa klase ng mahigit tatlong oras habang nacoconfuse kung ano ang tinutukoy ng prof nila sa sinabi nitong "bhorn". Ipininganak o nasunog? Hay, basta lang. Ikaw na ang bahala.
Spisis. 'yun ba ang inooccupy ng matter o uri ng living things? Ikaw na rin ang bahala.
Maraming pagkakataon ding natuyo ang wallet ko. Patay gutom kasi ang mga photocopy machine sa mga eskwelahan. Pero malaking tulong din ang mga photocopy machine. Lalo na sa mga tamad magsulat tulad ko. Ano nga ulit ang silbi ng copyright?
Maraming pagkakataon din akong nagnosebleed.
Maraming pagkakataon din akong nagprocrastinate.
Nosebleed.
Nosebleed..
Kung gaano ko kanais na malaman ang sagot sa tanong na bakit green ang blackboard ay ganun din ang pagnanais kong malaman ang sagot kung paano ko tatapusin ang post na ito.
Hindi talaga ako magaling tumapos ng mga naumpisahan ko. Minsan nga di ko na tinatapos. Basta lang. Pero dahil kelangan ko pang saklolohan ang nagra-rally kong sikmura, kelangan ko ng kumain ng kapangyarihan ng PNP. Kelangan ko ng tapusin 'to. Sa kahit papaanong paraan.
Sabi nila, ang magandang panapos sa talata ay conclusion na maiuugnay sa unang talata.
Kaya ito ang naisip ko:
Maaari bang palitan na lang ang blackboard ng greenboard? Kung hindi, pwede bang irequest na lang sa admin na papinturahan ng itim ang lahat ng green na blackboard?
Nababagabag nila ako. Promise.
UHM....ang alam ko po, ORIGINALLY, ang blackboard ay gawa sa smooth thin sheets of BLACK or DARK GREY slate stone.
ReplyDeleteNagkaroon ito ng modernong bersyon na kadalasan ay green or brown (na minsan tinatawag na pong greenboard or brownboard.
kaso nga lang, hindi na nawala ang orihinal na tawag sa reusable writing surface na ito... black man raw o green...ay blackboard pa rin.basta.basta.basta.ahaha.
-mam jen