Tuesday, January 13, 2009

NATAE AKO KAYA MABAHO ANG POST NA ITO

July 29, 2008 at 8:14 pm


Natutunan kong hindi dapat pinaplano ang buhay. Matuto kang mamuhay ng walang script, blueprint at higit sa lahat resident characters. Lahat ng dumating sadyang aalis din. LIVE ONE DAY AT A TIME and LIVE IT WITH REAL EXISTING PEOPLE. Dahil pagnagkataong napunit ang isang page ng manuscript o nabura ang isang scale ng blueprint o biglang nagback-out ang isa sa mga character, maaaring hindi mo na matapos ang istorya ng buhay mo. Pero kung nangyari nga ang mga ito at halos tapos mo nang isipin ang buong buhay mo, wag ka ng magmukmok. Wag kang mabugnot. Wag mong sayangin ang natitira mong mga araw sa pag-iisip, sa pagpapakamatay, sa kalungkutan. Wag hayaaang lamunin ka ng idealism. Hindi ka nabubuhay sa perpektong mundo. Maging handa ka sa malulungkot na araw at sikapin mong gumising sa susunod na araw. Maraming pagkakataong sisidlan ka ng matinding takot, tapos bigla kang sasaya, tapos papawiin din bigla ng kalungkutang hindi mo alam kung galling saan. Dapat maging handa ka dun. Ganun talaga. Wag kang umiyak!

[hindi ako iiyak…]

Para sa lahat ng masasayang araw, iilang parangal, iilang nagmamahal, coke sa Centree, ang mismong Centree, mga korning jokes, batang si Jen, ang nagpapapayat na si Dyan, ang nagpapatabang si Bikan, friendster blog, mga oras na natatae na lang ako bigla, pagsabit sa mga biyahe ng class card, na 2.9 so far ang last trip na nasakyan ko (2.9 na ipinag-overnight prayer ko ng ilang gabi) at sa mga nanghawak ng dede (Ate CY, Day, Bikan at Ann) hay, salamat na din at naimmune ako sa body contact, hindi ako masyado naninibago sa buhay bastusan at RLE. Para sa lahat ng ito, muli akong magsisikap sa kabila ng fucking shit na pagod, toture na memorization, mga taong nang-iwan, mga nagspin ng kutsilyong tagos sa puso, mga nanduro, nanghusga, mga hindi nakinig, mga pagdarahop, katakot takot na gutom at puyat.

Wala pa kong plano bukas, basta alam ko darating ang bukas. Bukas ko na lang din iisipin ang gagawin ko sa araw na iyon. Marami akong dapat gawin, ayokong biguin ang iilang taong umaasa sakin. Alam kong kahit hindi laging may araw, laging may umaga. Buti na lang. Kailanman, hind huli ang pagbangon.

Mabuhay ka ngayon. Wag madaliin ang iyong kamatayan, bata. Baka isang araw dumating yun at maisip mong marami ka pang hindi nagagawa dahil ginugol mo ang mga araw mo sa pagbibilang ng mga taong iiyak sa burol mo, sa pagpili ng damit at kabaong, sa paghahanap embalsamador. Baka magsisi ka. Dahil nakalimutan mong ngumiti at namatay kang nakangiwi (naku!). Nakalimutan mong pasalamatan, yakapin at halikan ang magulang mo. Nakalimutan mong magpasalamat din sa mga propesor mo (kahit na dun sa mga pinakapanget), at kay lady guard (na minsan ay napakasunget). Magpaalam sa mga kaibigan mo, katunggaan, kapatid sa kalokohan, tagapagligtas sa mga exam na hindi mo pinag-aralan. Nakalimutan mong i-log out ang friendster account mo. Baka makalimutan mong isoli ang librong hiniram mo sa general library (at sino mamumulta nun?!). Baka makalimutan mong mag-flush ng inodoro. At naku. Baka makalimutan mong maghugas ng pwet.

No comments:

Post a Comment