Saturday, January 17, 2009
May 1, 2008
hay.. bata ka.
hindi ka pinagsummer ni God sa Biochem, ngayon, anong ginawa mong makabuluhan ha?
onti lang nagawa q. hay.
nagbasa ng anatomy buk
[anu pang silbi, tapos na ang anatomy mo!]
nagpinta
[asan?!]
andun na sa deviant art, ung mukhang pambata
inumpisahan q ung 'lost geography', novel na bigay ng auntie ko
[pupusta ako, di mo pa tapos yung introduction]
hindi po aq nagbabasa ng intro ng libro.
naki-smallville, pinanood mula season 1 hanggang 5
[------------]
ang galeng ng mga season enders nila.. putrages!
[ssshhh, bawal yan]
ay. sorry po. nakerid-out lang.
[wala ka talagang magandang nagawa]
hindi pa po ako tapos. nagadvance duty aq sa lola ko.
nakipag-bonding kina muymuy, boboy at toytoy.
nakipag-sex sa mga html codes. gabi-gabi. dahil nagtutor ako sa pinsan ko.
nagpakadalubhasa sa pagpapagaling sa mga karamdaman.
nakipagbonding sa jedi
[sino 'yun?]
secret.
ginawa ko ng gift ang mama ko.
kinolekta ang class cards ko
[kamusta naman?]
secret ulet.
[ihuhulog kita, isa pang secret jan]
sige na, sige na. hindi na po. sorry.
ano pa ba.. uhm. kumain ako ng marami.
[......................]
natulog din ako ng maraming oras..
[......................]
hindi po ba kayo natuwa o magrereact man lang?
[......................]
sabi ko nga. pwede na po ba un?
[alin?]
March 19, 2008
aT LAST! Tapos na. Ang sem ay tapos na.. Natapos na ang sem. Ang sarap gumising ng walang iniisip na requirement na kailangang i-submit, walang exam na kailangang pagreviewhan..
Wala na.
Ang sem ay tapos na.. Natapos na ang sem. Ang sarap gumising ng walang iniisip na requirement na kailangang i-submit, walang exam na kailangang pagreviewhan.. Nag-aantay NA LANG ng hatol. Parang anumang sandali ay maaaring bumisita sa Manong Kamatayan at kelangan mong mamili sa dalawa: hell o hell? Wala ng pagkakataon para sa remedial. Wala na dahil 'yun na ang remedial.
'Wag ng makulit. Tanggapin ang katotohanan nang hindi masaktan. Wala na.
Patay na.
Ang sem ay tapos na.. Natapos na ang sem. Ang sarap gumising ng walang iniisip na requirement na kailangang i-submit, walang exam na kailangang pagreviewhan..
Nag-aantay NA LANG ng hatol. Parang anumang sandali ay maaari nang bumisita sa Manong Kamatayan at kelangan mong mamili sa dalawa: hell o hell? Wala ng pagkakataon para sa remedial. Wala na dahil 'yun na ang remedial.
'Wag ng makulit. Tanggapin ang katotohanan nang hindi masaktan. Wala na.
Pero kung ayaw mo talagang tanggapin, di wag. Di mo naman kelangang mamili kung hell o hell. Gaya ng mga exams na imposibleng ipasa kahit na di ka na naliligo sa pag review, ang buhay ay laging may choices. Multiple choise kung baga.
Choice ko talagang ibahin ang spelling pangalawang gamit ng word na choice. Ganun lang kasimple 'yun.. Ngayon, sinong gustong sumama sa hell? Sinong gusto malugmok sa pagkakalugmok? Sinong talo? Sinong bobo?
E DI 'YUNG MAGSA-SUMMER!
bwahahaha!TAE
Wag ka ng manlumo kung di ka nakaligo,
'di na mahalaga 'un. Mangangamoy tae rin tayo.
Kitakits sa hell kung sakali!:-)
February 22, 2008
Pinkamahalagang gamit sa boarding house ang heater. Gusto kong i-acknowledge ang mga sumusunod:
heater ni Ate P,
heater ni Ate L,
heater ni C at,
heater cord ni Ate T,
pati rice cooker ni Ate S
Dahil dito, naitatawid namin ang ilang araw na gutom.
Dito kami nag-iinit ng tubig, sinabawan, spaghetti at nanlalamig na puso.[yuck]
Pinaglulutuan din namin ito ng Quaker Oats, pancit canton, noodles, adobo, sisig, lechong kawali, dinosaur at marami pang bagay na 'di mo akalaing magkakasya dito.
"SI JUN-JUN"
Si Jun-Jun ang friendly ghost ng aming boarding hauz,
minsan nga lang ay hindi siya ganun ka-friendly.
Pinapatay niya ang ilaw sa banyo at labas pasok sa mga pinto sa kalaliman ng gabi. Nakakabulabog.
Minsan makikita mo siyang naglalaro sa sampayan sa terrace minsan hindi mo lang talaga siya makikita (nangangapit bahay).
Best friend siya ni Madam Oiselle, pero hindi siya ang best friend ni Madam.
Pero ganun pa man, kasali pa rin siya sa aming istorya.
Tuesday, January 13, 2009
BAKIT GREEN ANG BLACKBOARD?!
October 7, 2007 at 2:23 am
Bakit nga ba green ang black board samantalang ang white board ay white? (Marahil ay hindi mo nabasa ang last word, gets mo naman siguro)
Sa isang buong semester - unang semester ko sa college, iba't ibang uri ng blackboard ang nakaharap ko. May puti, may dirty white at may green pero wala pa kong nakikitang black.
Marahil alam mo na ngayon kung gaano ako kabored sa ilan kong klase dahil pati mga blackboard ay napapagdiskitahan ko na. Oo. May tama ka. Limang buwan. Limang buwan ng pagkaduro. Limang buwan ng pakikibaka. Limang buwang halos walang mabuting naibunga sa maikling pananatili ko dito sa mundo. Meron pala, pero konti lang kung ikukumpara sa mga kabalbalan. Hay.
Nagtataka nga ako kung paano natatgalan ng iba kong mga kaklase ang ganoong sistema. Maaari naman nilang ilaan ang oras nila sa pagbabasa na lang ng comix o tabloid para hindi ito masayang. Tsk, tsk.
Tatlong klase din ang di ko pinasukan. Opo, nagcut na ko ng class. Sorry na. Pero minsan hindi niyo rin naman masisisi ang mga estudyanteng pinipiling mahiga na lang sa boarding house kesa maupo sa klase ng mahigit tatlong oras habang nacoconfuse kung ano ang tinutukoy ng prof nila sa sinabi nitong "bhorn". Ipininganak o nasunog? Hay, basta lang. Ikaw na ang bahala.
Spisis. 'yun ba ang inooccupy ng matter o uri ng living things? Ikaw na rin ang bahala.
Maraming pagkakataon ding natuyo ang wallet ko. Patay gutom kasi ang mga photocopy machine sa mga eskwelahan. Pero malaking tulong din ang mga photocopy machine. Lalo na sa mga tamad magsulat tulad ko. Ano nga ulit ang silbi ng copyright?
Maraming pagkakataon din akong nagnosebleed.
Maraming pagkakataon din akong nagprocrastinate.
Nosebleed.
Nosebleed..
Kung gaano ko kanais na malaman ang sagot sa tanong na bakit green ang blackboard ay ganun din ang pagnanais kong malaman ang sagot kung paano ko tatapusin ang post na ito.
Hindi talaga ako magaling tumapos ng mga naumpisahan ko. Minsan nga di ko na tinatapos. Basta lang. Pero dahil kelangan ko pang saklolohan ang nagra-rally kong sikmura, kelangan ko ng kumain ng kapangyarihan ng PNP. Kelangan ko ng tapusin 'to. Sa kahit papaanong paraan.
Sabi nila, ang magandang panapos sa talata ay conclusion na maiuugnay sa unang talata.
Kaya ito ang naisip ko:
Maaari bang palitan na lang ang blackboard ng greenboard? Kung hindi, pwede bang irequest na lang sa admin na papinturahan ng itim ang lahat ng green na blackboard?
Nababagabag nila ako. Promise.
JUST BEFORE THE SUN GOES TO BED
July 11, 2007 at 4:48 am
i couldn't help but let out a great sigh.
this day offered me so much.
an unexpected text message.
colds.
a clogged nose.
a gloomy atmosphere.
a flactuating light bulb.
an empty inbox.
a clumsy bastard pen ink.
an unfulfilled task.
wow. beautiful.
i call it a great sigh because it contained many smaller sighs within it..
one sigh of disappointment,
one of frustration,
one of sadness...
and i don't know what else.
i'm tired but i need not to be.
i musn't.
WATEVER!
December 2, 2005 at 1:58 am
wala lang.
ang blog na ito ay isang wala lang.
wala lang mapagdiskitahan ang isang lagalag.
ngayo'y iba na ang maraming bagay at ako'y hindi makasabay.
nais kong mahiga na lang at titigan ang mababa ngunit di ko maabot abot na kisame sa aming silid.
nagiisip ako ngayon.
hanggang ngayon, di ko pa rin matukoy kung ako'y isang libra o virgo.
ano ba talaga?
naisip ko rin..
kapag ang tao ba pag sinispon ay sadyang mapag isip?
isang wala lang na blog mula sa isang wala lang magawa.
11.1 MORBIDITY AND IRONY
October 29, 2008 at 6:23 pm
Malapit na pala All Souls Day… Hay.
Naalala ko kase nakita ko mga sulat ng former editor ko. Mahilig kasi siya magbigay ng notes noon. Sabi niya sa isang Halloween letter niya:
"Halloween isn’t really about trick or treat stuff. It’s actually one of the best moments to reflect about life."
(The note is so short yet substantial. Namiss ko tuloy ang editor ko. Hay. Halos every week noon may note ako sa wall pocket dun sa office namin galing sa kanya.)
Oo nga naman, tama siya. Sooner or later, isa na rin tayo sa mga pagpipyestahan sa sementeryo. Morbid, pero worth contemplating. Naisip ko lang kung dumating na oras ko, ano kaya maalala ng tao sakin, kung pano ako nabuhay? Kung gagawa ako ng sariling obituary na mag-uumpisa sa “here lies…”, ano kaya karugtong nun? Pano ko kaya masasagot ang mga naunang tanong kung TIME’S UP na ko. Ahahay. Reflection.
November 1.
Eto magkekwento na lang ako. Naaalala ko yung Advanced Chem teacher ko nung high school pa magno-November 1 na. Isang meeting namin nun sa kanya nagkatanungan ng birthday. Hindi niya sinasabi kung kelan birthday niya. Biglang sabi ng isang classmate ko, “Alam ko na birthday mo, Madam! November 1?!” Sabay tawa. Tinignan siya ng teacher at sinabi, “Ano naman kung November 1?!” Saka lang niya narealize na possible ngang may pinapanganak talaga sa petsang ‘yun. At walang masama dun. Ahaha. Naku…classmate. Irony daw ng November 1. Natawa ako nun. Kaya eto, di ko na makalimutan ang birthday ni Madam. :-) [ironic]
October 11, 2008 at 1:11 am
Ang Katangahan, bow Ang katangahan ay nagmumula sa pagbabakasakali Baka sakaling may maisagot sa exam… Baka sakaling pumasa… Baka sakaling sumaya. Kaya siguro maraming nalulungkot, Dahil maraming nagbabakasakali. Maraming tanga. Ang katangahan, bow.
[another pointless poem. if that's even a poem]
guess what, i wrote that! hrmph.. i just wanna be here. rather than go somewhere else. which would definitely cause me another trouble. [sigh] because lately, i haven't done a single good thing.. not even close to acceptable, anywhere in planet earth. at least here it's just me and my dumbness...harrharr.
'know what?? i’d like to buy a whole bunch of balloons. that kind that’s filled with Helium, not that fetid Oxygen from human. and tie them to my dumb self, right now. once i get enough balloon, my whole dumb self will go away. i saw an actor (i can’t remember what show) do that once on TV. really.
NATAE AKO KAYA MABAHO ANG POST NA ITO
July 29, 2008 at 8:14 pm
Natutunan kong hindi dapat pinaplano ang buhay. Matuto kang mamuhay ng walang script, blueprint at higit sa lahat resident characters. Lahat ng dumating sadyang aalis din. LIVE ONE DAY AT A TIME and LIVE IT WITH REAL EXISTING PEOPLE. Dahil pagnagkataong napunit ang isang page ng manuscript o nabura ang isang scale ng blueprint o biglang nagback-out ang isa sa mga character, maaaring hindi mo na matapos ang istorya ng buhay mo. Pero kung nangyari nga ang mga ito at halos tapos mo nang isipin ang buong buhay mo, wag ka ng magmukmok. Wag kang mabugnot. Wag mong sayangin ang natitira mong mga araw sa pag-iisip, sa pagpapakamatay, sa kalungkutan. Wag hayaaang lamunin ka ng idealism. Hindi ka nabubuhay sa perpektong mundo. Maging handa ka sa malulungkot na araw at sikapin mong gumising sa susunod na araw. Maraming pagkakataong sisidlan ka ng matinding takot, tapos bigla kang sasaya, tapos papawiin din bigla ng kalungkutang hindi mo alam kung galling saan. Dapat maging handa ka dun. Ganun talaga. Wag kang umiyak!
[hindi ako iiyak…]
Para sa lahat ng masasayang araw, iilang parangal, iilang nagmamahal, coke sa Centree, ang mismong Centree, mga korning jokes, batang si Jen, ang nagpapapayat na si Dyan, ang nagpapatabang si Bikan, friendster blog, mga oras na natatae na lang ako bigla, pagsabit sa mga biyahe ng class card, na 2.9 so far ang last trip na nasakyan ko (2.9 na ipinag-overnight prayer ko ng ilang gabi) at sa mga nanghawak ng dede (Ate CY, Day, Bikan at Ann) hay, salamat na din at naimmune ako sa body contact, hindi ako masyado naninibago sa buhay bastusan at RLE. Para sa lahat ng ito, muli akong magsisikap sa kabila ng fucking shit na pagod, toture na memorization, mga taong nang-iwan, mga nagspin ng kutsilyong tagos sa puso, mga nanduro, nanghusga, mga hindi nakinig, mga pagdarahop, katakot takot na gutom at puyat.
Wala pa kong plano bukas, basta alam ko darating ang bukas. Bukas ko na lang din iisipin ang gagawin ko sa araw na iyon. Marami akong dapat gawin, ayokong biguin ang iilang taong umaasa sakin. Alam kong kahit hindi laging may araw, laging may umaga. Buti na lang. Kailanman, hind huli ang pagbangon.
Mabuhay ka ngayon. Wag madaliin ang iyong kamatayan, bata. Baka isang araw dumating yun at maisip mong marami ka pang hindi nagagawa dahil ginugol mo ang mga araw mo sa pagbibilang ng mga taong iiyak sa burol mo, sa pagpili ng damit at kabaong, sa paghahanap embalsamador. Baka magsisi ka. Dahil nakalimutan mong ngumiti at namatay kang nakangiwi (naku!). Nakalimutan mong pasalamatan, yakapin at halikan ang magulang mo. Nakalimutan mong magpasalamat din sa mga propesor mo (kahit na dun sa mga pinakapanget), at kay lady guard (na minsan ay napakasunget). Magpaalam sa mga kaibigan mo, katunggaan, kapatid sa kalokohan, tagapagligtas sa mga exam na hindi mo pinag-aralan. Nakalimutan mong i-log out ang friendster account mo. Baka makalimutan mong isoli ang librong hiniram mo sa general library (at sino mamumulta nun?!). Baka makalimutan mong mag-flush ng inodoro. At naku. Baka makalimutan mong maghugas ng pwet.
WHEN DO WE KNOW ITS TOO MUCH?
July 13, 2008 at 6:14 am
When wanting something too bad and it just can't be yours, will you rob it and despise the rule of property?
When loving somebody too much, you expect equal love in return but you receive little less than you expect, are you going to die for it?
When it hurts a lot and you feel like you're just the one being hurt, would you try to hurt others, too?
When you thought other's weren't hurt after you've tried to, would you keep trying to hurt them?
How about when you know they've been really hurt after all those times, will that make you happy?
.........................................................
You tell people that it's ok, even if you're not. You tell yourself that they believe you, even if they actually don't. And you know that. It's like faking a self-examination test. You put a check on the best answers, the sum would be outstanding, which will then determine you as a well-composed person. But it's a fancy. And suddenly, you expect people to clap. Then again, you get nothing but silence.
[sigh]
We don't struggle to be loved. Understand that not all love could be returned as we deemed it to be. It's something we should learn. Love is not something we ask or demand. It's a freewill. Otherwise, it's pity.
Disturbing the water in the lake doesn't make it a river. You keep trying to throw stones, you will exhaust yourself, you will get tired but the lake remains a lake. Stones you throw, no matter how many they are and how hard you tossed them doesn't change that fact. If you want to change something, change your perspective.
So, now, when do we know that it's too much?
When your answer on my earlier questions are all affirmative, IT'S too much, buddy. And i know you know that when it's too much, we NEED to stop.
June 20, 2008 at 7:08 am
Masarap at makati.
Ang lumangoy sa unang pagkakataon ng walang kahit na anong suot, walang mabigat na maong shorts, panty, bra, bakat na pantaas o kahit hapit na swimsuit sa Ilog Matnog ay isa sa di ko malilimutang escapade ng aking buhay.
Isang kaarawan ang dahilan kung bakit ako nagpunta doon. Ang pag-aaway naman naming ni bangka ang dahilan ng skinny-dipping ko. Si bangka ang bisyo ko. Ang kasiyahan, kakornihan, kasalanan, tinatayaan. Nung araw na yun, natalo ako sa sugal. Nalaman kong hindi pala sapat ang sarili ko upang manalo, na kahit anong gawin ko maghahanap at maghahanap ng ibang bangkero ang mga manunugal.
Ilang tao ang nakilala ko sa ilog. Yung iba matagal ko nang alam ang pangalan at kilala ang mukha pero kahapon ko lang nakilala. Dalawang klase ang mga tao dun. Ang una, hahamunin ka kung hanggang saan at gaano kalalim ang kaya mong languyin. Ang natitira naman, sasawayin at tatawagin ka pabalik pag napapalayo ka na, lalo na kung inaakala nilang hindi ka marunong lumangoy. Magaling akong lumangoy. Pero isang tao lang ang nakakaalam nun doon. Kaya naman mas madami ang sumaway kaysa naghamon sakin. Bad trip! Gusto ko nga din sanang subukan yung long diving. Kaso andun yung isang high school classmate ko, si Tedeng. Pinigil ako. Hindi daw ako papasa sa deep breathing exercise, sa pahabaan ng hininga! Bakit ba?! Nag-toothbrush naman ako! Tatlo kaming nursing student dun! Eh, kung malunod, mouth to mouth recitation! [anu daw?]
Si Skulai ang kasama ko sa paglangoy. Siya nga pala yung nag-iisang nakakaalam dun na magaling din akong lumangoy, kaya hinayaan niya lang ako. Nginitian tapos naghiwalay din kami.
Nakilala ko si Si-el, magaling din. May natatangi at nakakaaliw na kakayahan na naglalaro sa pakikipag-usap at pag-langoy. Marami akong natutunan kahit na yung iba eh hindi ko masyadong naintindihan. Haha! Dahil seryoso ako sa paglangoy, hindi ko masyadong naibalik ang mga pangungusap niya. Ngiti lang. Maraming ngiti. Parang tanga. Dahil naman sa marami niyang kwento ay nakalimutan kong itanong ang pangalan niya. Kinaumagahan ko na ito nalaman. Si-el.
Kinaumgahan ko rin pinagbayaran ang kapusukan kong magskinny-dipping. Ang tubig pala sa ilog na yun ay di ordinaryo. May epekto sa mga unang salta! Nangati ako buong araw, hanggang sumunod na araw at sumunod at sumunod pa. Walangyang..! Wala na din ako nagawa. Minsan talaga, kakamutin mo na lang kung anong makati. Argh! Ang nakakainis pa, parang lumilipat lipat ang kati..lalo na sa likod ko! Argh! Hanggang sa mga pagkakataong ito, bakat pa rin ang mga kamot at inis sa balat ko.
Unang skinny-dipping sa Ilog Matnog. Yun na rin ang huli. Masarap lumangoy. Lalo na pag wala kang damit. Pero kung sa Ilog Matnog ka lalangoy? Tingnan mo muna ang medical records mo.;) Matapos ang maligayang gabi, sinumpa ko ito! Di ko makakalimutan. Pero malamang ulitin ko. Sa ibang ilog. Hinding hindi na sa Ilog Matnog!
Siguro pag inaway uli ako ni bangka.;)
KWENTONG ESKWELA
June 3, 2008 at 5:39 pm
Kailanman hindi ako naging model student.
Ako’y isang ganap na sophomore na. Kahapon lang ako natapos mag-enroll. As usual, ako nanaman ang isa sa mga pinakahuling nakakuha ng class card sa block namin. Kahit kelan talaga hindi ako nauuna sa mga bagay eskwela at hindi rin ako ang pinakamabait. I’m the GREAT PROCRASTINATOR! Laging late at isang pasaway na estudyante. Dahil dito naisipan kong mgabalik-tanaw (haha) at isulat ang aking kakaibang buhay eskwela.
KINDERGARDEN
Tatlong taong gulang ako nung unang tumungtong ng paaralan. Saling pusa. Kasabay ko yung auntie kong isang taon lang ang tanda sa kin. Sabi ng lolo namin, kelangan daw naming mag-aral ng mabuti. Matalino ang lolo ko. Bibilhin niya daw ang bawat perfect score na test paper namin. Piso isa. Napakalaking bagay nay yun sakin nun. Hindi ko na to maalala pero kinwento sakin ng auntie ko na mas madami daw ung perfect exams niya. Ang ginawa ko daw, sinunog ko yung iba. Haha. Salbahe!
Limang taon ako sa kinder. Saling pusa. Kinder 1. Kinder 2. Preparatory. Hindi na sana ako magpe-prep, kaso 6 years old pa lang ako. Dehins pa daw pwede sa Grade 1. Salutatorian akong gumradweyt ng kinder. Valedictorian yung bestfriend ko. Nung unang pagpasok ko sa kinder, umiiyak ako sa tuwing aalis na si mama. Teacher kasi ang mama ko at nasanay akong home-schooled. Pagkatapos ng apat na taon, umiiyak nanaman ako, kaming dalawa ni Dyan. Graduate na kami. Mamimiss namin ang unang school teacher namin. Ang unang favorite teacher ko.
Nag-grade 1 at 2 na ako, pero tuwing summer nag-eenroll pa rin kami ni Dyan sa summer class ni Mam Wan.
GRADE SCHOOL
Grade 1 pa lang ako, markado na akong “late comer”. Isang araw, late uli ako, pero ito ang araw na di ko makakalimutan sa grade 1. Napalabas ako ng teacher namin. Umingay daw kasi ang classroom pagdating ko. Si Dyan kasi. Tinanong kung anong baon ko, tanda ko yun. Pretzel at Funchum lang naman. Hmph. Sabi ni Mam Tu, “Get out!” Lumabas ako. Doon lang ako sa may pinto buong umaga. Nakinig pa rin. Ayoko din naman kasing umuwi dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwag sa tatay ko kung bakit maaga akong nakauwi. Third honor ako nung grade 1.
Ang grade 2 teacher ko ay kapit-bahay namin. Sa grade yatang to nakagawa ako ng pinakamaraming kalokohan. Nakipag-away kami nina Dyan at Rommel sa mga grade 6 dahil hindi nila binalik yung upuan namin pakatapos nilang gamitin sa NEAT. Madalas absent si Mam Tri noon. Pag wala siya, kanya-kanya kaming pili ng lilipatang section. Karamihan sa section 2, may sa 4, wala sa 3, terror kasi teacher dun, yung iba, umuuwi na lang. kami naman ni Dyan sa section 5, kay Mam For. Nakakatawa kasi siyang teacher. Enjoy din kami sa mga estudyante dun na walang ibang ginawa kundi humigop ng Jelly Ace buong araw. Basta masaya dun. Mas natututo ako sa masayang klase. Nung bumalik yung adviser namin, nagalit. Sa section 2 lang daw dapat kami lumilipat. Napa-squat kaming lahat. Mga limang minuto na, ngawit na ako. Minabuti kong sumimple sa pagsandal sa desk. Yari! Nahalata. Napitikan ako sa pwet. Third honor pa rin ako.
Lumipat kami sa Negros pakatapos kong mag-grade 2. Dun na ako nag-grade 3 hanggang 6. Ang mga teacher ko ay naging teacher din ng nanay ko. Constant first honor pa si mama dati. Hay! Kaya naman napakaraming disciplinary actions na ang pinagdadaanan ko kay mama. Sa grade na to ako unang sinabak sa declamation. Ang unang piece, Music Box. Drama yung piyesang yun. Kelangan umiyak-iyak. Umiyak ako. Dahil sa takot sa trainor ko hindi dahil sa kwento. Bangis! Kaya pag may practice sinasama ko lagi si mama. Dalubhasa, grade 5 at grade 6 ang mga katapat ko, galing sa ibang school. Samantalang grade 3 ako at first time ko yun. Siyempre, talo ako. Pero natuwa ako ng sobra. Wala ng torture sessions with my master coach! Bwahahaha! Second honor na ko nung grade 3.
Lola ko ang teacher namin nung grade 4. Recognition day na nung nalaman ko yun. Hindi naman kasi umaatend ng PTA meeting ang mga magulang ko. Recognition day lang sila pumupunta ng school. Eto ang pangalawang taon ko sa declamataion. There’s No Place Like Home, ang title ng piyesa ko. Mas gusto ko to kesa dun sa nauna. Si mama na din ang nag-train sakin. Nanalo ako sa pagkakataong ito. Gusto ko kasi ang character dito, si Tiya Bangege. Makulit. Dito ko din unang nasaulo ang multiplication table. Table of 3 ang favorite ko. Yun kasi ang unang table na na-recite ko ng kumpleto at mabilis. Naimpress mga classmates pati yung teacher ko. Naalala ko din, sa grade na to, hindi kami pwedeng lumabas ng classroom hanggat di tapos ang pinapakopya sa board. Atat na atat na kong umuwi lagi nun, kaya jumbo size, double space at short cut na ang notes. Maging kapani-paniwala lang siyang kumpleto at makalagpas lang ako sa pinto para maka-uwi, itataya ko na lahat. Hanggang ngayon di ko pa din maisip kung bakit pinapakopya pa samin yung mga yun e nasa textbook naman namin yun. Labo! Second honor uli ako nung recognition day.
Two years ago, nabalitaan ko, namatay na daw yung teacher ko nung grade 5. Nakakalungkot. Hinanap ko agad yung from 137 ko. Di ko pa naman yun makakalimutan. Siya ang nagbilang ng saktong tardy days ko, 11 1/2. May reason pa (because of house hold chores). Pag-late kasi ako lagi ko sinasabi na nag-hugas ako ng pinggan, kahit hindi naman (bad, wag tularan) haha.. Naging amusement yung remark na yun sa form 137 ko. Pero sa grade ding ito nakakuha ako ng standing ovation mula sa klase, pero nakaupo sila, pumalakpak lang, tunog standing ovation siya, promise. Narecite ko kasi ang multiplication table 1 to 10. Requirement pa naman ni Sir na dapat nandun ang parent sa araw ng recitation. 98 ang nakuha kong grade dun. Sobrang saya ko, hindi dahil ako ang may pinakamataas na grade kundi dahil dumating si mama. Kahit late siya, nakita niya ko sa harap, alam kong sa mga pagkakataong yun, pinagmamalaki niya ako. Hehe..
Sa Talisay City, Negros, Occidental pa rin ako nga-grade 6 hanggang 1st grading nga lang. Nagkasakit kasi si papa at kinailangan naming pumunta ng Manila. Nahirapan ako dahil running for valedictorian ako sa dati kong school. Hmph. Pero wala din naman akong magagawa. Sa Fourth Estate Elementary School na ko pumasok. 24 sections ang grade 6. Nakakalula. Mataas naman ang grade ko kaya tinanggap ako sa section 1. Ako ang ika-76 na mag-aaral sa section 1. Halos isang buwan na akong di naka-enroll at namurol ng husto ang utak ko. May mga pagkakataong umiiyak na lang ako sa wash room ng new school ko dahil hindi ako makasabay sa klase. Afternoon shift kami. Grade 4 ang gumagamit ng room naming pag umaga. 3rd floor. Room Urduja. Mainit. Mabilis. Siksikan. Matatalino ang mga classmate ko. Isipin mo na lang ang frustration ng isang batang running for valedictorian na makakatanggap ng pinakamabababang grades (mula 81-87) sa buong buhay eskwela niya sa mismong huling taon niya sa elementary. Hay! Pero mababait ang teacher ko dun. Extra alaga ang new comer. Extra terrestrial kasi ako. Nakatulong ng malaki yung English teacher at adviser ko sakin. Salamat Mam Dolly! Naka-graduate din ako. Umiyak din nung graduation. Kahit limang buwan lang ako dun, madami akong natutunan at naging kaibigan. Favorite ko nung grade 6 ang English at Science. Astronomy kasi. Nakilala ko sina Proxima Centauri, Spika, South Star, Big Dipper at marami pang iba. Pati si Smallville. Parang may special time na ginagawad ang adviser namin para sa kwentuhan kung anong nangyari sa last episode ng Smallville noon eh. Hehe..
HIGH SCHOOL LIFE
Ang totoo niyan, gustong gusto kong sa Parañaque Science High School mag-aral. Kaso late na ko for application. Late na naman. Hmp. Madaming pagkakataon talaga ang nasayang ko dahil sa palagiang pagpapabukas. Hay. Nagbakasyon ako sa Bicol. After almost 4 years nasilayan ko ulit ang birthplace ko at ang Mayon. Nag-exam ako sa PGCHS. First screening, 42nd. Second screening, 19th. Mediocre. Di kasi nagreview. Pft. Pero ayos na din, STOC eh. Nakumbinsi ko sina mama na dito na lang mag-aral. Dahil karamihan ng high school sa Manila ay close for application na din, pinayagan ako.
Dumating ang unang araw ng high school. Kilala ulit ng adviser ko si mama. Bakit ba? Hay. Bumait na lang talaga siguro ako dahil ayokong ilagay sa kahihiyan ang mama ko. Extra terrestrial ulit si Elai that time. Classmate ko pala ulit si Dyan. Haha.. Talaga nga naman. Una kong nakilala si Joanne, sabay kasi kami naglunch that day. Classmate ko pa rin siya hanggang ngayon sa Nursing, sabay pa rin kaming nagla-lunch. Hehe.. Naging science quizzer ako. Favorite ko kasi yung teacher ko sa Science and Health. Naging miyembro ako ng Gee Club, Gee 9 ako. Sumali sa ilang poster at slogan making. Rank 11 ako nung first year. Top ten lang may award sa recognition.
Nung second year high school ko nakuha ang una at huling patok! 75. P*t*ng *n*. May sayad kasi yung teacher namin sa subject na yun. Halos kalahati sa klase binigyan ng ganung marka. Dahil lang sa tinutulugan naming ang klase niya. Hay! Si lola ang pinapirma ko nung report card ko nung second grading dahil takot akong ipakita yun kay mama. Tapos na ko ng 2nd year nang makita ni mama ang card ko. Pati yung pirma ni lola sa likod. Hindi rin kasi alam ni lola kung bakit siya ang pinapirma ko dati. Natawa na lang kaming tatlo. Wala na rin naman kasing magagawa pa at binawi ko yun sa mga sumunod na grading. Kalokohan ko talaga, hay... Ito din ang unang taon ko sa campus journalism. Kasama ko si Dyan, wala naman kami ibang ginawa kundi ang manginain imbes na magsulat.
Third year, third placer ako sa Division Science quiz. Minahal din kasi ako nung coach namin, kaya pinagbuti ko din. Sci-Math and pinakamahalagang event sa amin noon. Ito ang mga panahong nakakatulog akong hawak ang reviewer ko at nagigising ako ng madaling araw na nanginginig sa nerbyos. School kasi namin every year ang champion sa third district ng Albay, kaya hay..pressure. Mangiyak iyak din kami tuwing awarding, kesyo talo o panalo, luha pa din ang sagot namin.
Senior year and hindi ko makakalimutang year sa high school. Sino ba naman makakalimot ng huling Valentines Day kasama ang high school sweetheart mo? Sa sangkaterbang pinapaphotocopy mong notes? Teksto teksto araw araw sa Filipino? Pagtakas sa last period? Bonding session sa mga senior teachers mo? Sa mga pagtakas sa graduation practice? Sa first Thursday of the month mass? Sa guard? Sa flag ceremony na halos tatlong beses mo lang inabutan? Sa guidance counselor? Sa bestfriend mo? Sa janitor? Sa huling Sci-Math Competition? Hay… Napakaraming bagay ang kumakabig sa’yo pabalik ng high school. Naging editor ako ng school paper namin, nagsulat ng editorial at mga news bites. Hindi ko din makakalimutan ang pagtitiwalang binigay sakin ni Madam Salceda at ng school paper adviser kong si Mam Bebang. Sa apat na taon, ngayon lang din ako di nag-Science quiz, mas pinili kong mag-defend ng showcase, para maiba naman. Sumali kami sa Intel Science Fair. Kasama ko ang tatlo sa pinakamahahalagang tao sa buhay high school ko. Si Edward, na crush ko pa lang that time (ahaha), si Ate Lei, and best friend ko at si Madam Ohn, coach namin, ang nag-inspire saking maging mas matibay at mabuting nilalang. Salamat sa buong high school at editorial staff! Lalong lalo na kay Ate Lei, na pwede nang gawaran ng sariling column sa school paper sa pagkakawang gawa. Dahil hindi niya iniwan ang Courier hanggang sa kahuli hulihan. Salamat po!
Hindi ko pinagsisisihang sa PG ako nag-aral. Dahil hindi din naman matatawaran ang mga nakilala at natutunan ko dito. Napakarami para ikwento. Di hamak na napakahalaga para maisatitik.
BUHAY BEUEñO, BUHAY KULÉ
Nung isang araw ko lang pala kinwento kay mama yung napalabas ako nung grade 1.
Ngayon ako’y mag-aaral ng Unibersidad ng Bikol. Piniling sumabay sa agos ng nursing students kesa maging aktibong mamamahayag. Gaya ng mga nauna kong desisyon hindi ko tiyak kung tama ang pinili kong ito. Wala daw kasi akong mapapala sa pagsusulat. Hindi ka na nga mabubuhay, malapit ka pa sa panganib. Totoo nga naman. Kahit nga journalism student ngayon eh binabaril na. Hmph!
Ibang-iba ang kolehiyo sa high school. Ibang iba. Talaga. Hindi ka obligado gawin ang mga bagay na kailangan mong gawin nung high school. Walang sasaway sayo. Nasayo kung kelan mo lang gustong pumasok, kung anong araw, oras at kung sinong prof lang ang trip mo. Minsan ganun ako. Ayokong maging model student kung ang ibig sabihin nito ay lagi kang “yes mam, yes sir” - na kahit na alam mong mas nauunang nada-digest ang food bago maging poopoo, sasang-ayon ka sa prof mong nagsabing nasa paligid ng large intestine ang small intestine mo. Hay, robot ka kung ganun! May mga pagkakataong sinusubukan kong itama ang mga pagkakamaling ito. Pero dapat convincing ka. Kung hindi, hindi lang 10 bagsak, kundi 10 tadyak pa ang aabutin mo. Buti naman hindi pa pumapalya ang convincing powers ko.
Second year na ko. Sisikapin kong magsulat muli para sa Publication. Maraming beses na din akong pinanghinaan ng loob pero nakakatuwang isipin na may mag taong dumadating para ikaw ay palakasin sa mga pagkakataong susuko ka na lang talaga. Salamat Ate Jen! Tatlong taon pa, marami pang bagay ang nais kong isulat. Susubukan kong hindi tamarin sa pag-aaral. Maghahanap ako ng maraming dahilan para maging masaya.
Ito na yata ang pinakamahabang post sa blog ko. Madaming kwento kasi ang kwentong eskwela ko. Wala pa to kung tutuusin. Sinulat ko ito para maibahagi ko ang aking buhay eskwela. Hindi ako ganun kabait na mga-aaral, pero naging mabuti akong tao dahil sa mga ito at mga taong nabanggit ko, kahit na yung nagpalabas sakin sa classroom o yung teacher kong nagbigay sakin ng 75. Higit sa lahat, salamat ng napakalaki sa mama ko, ang pinaka-unang guro ko. Bahagi kayo nang kung sino ako ngayon. Hindi ako perpekto. Hindi ako ganun katalino. Hindi ako laging nananalo. Hindi ako teacher’s pet material. Bawat karangalang kinakamit ko, pinaghihirapan ko. Hindi lahat ng alam ko ay galing sa textbooks at silid-aralan.
Kailanman hindi ako naging model student pero hindi rin ako naging ordinaryo.
CONVERSATIONS WITH MINI ME
June 3, 2008 at 3:08 am
More than a year had passed and I completely forgot them – the things I learned in high school. My bestfriend said I learned a lot from my first year in college but I forgot a lot of things, too. Well she does that all the time – nag me (laughs). But most of the time and most of the things she said is right. I have this nasty but beneficial, in some ways, habit of keeping secrets. Even little things. Even to my “bestest” friends. She hates me for that. And I love how she wrinkles her nose and twitch her eyes when I say, wala ‘yun. It has been my strength, keeping things on my own, telling the world it’s ok even if the truth is I am as devastated as spongebob when he broke his spatula, still managing to fake a smile and throw the silliest joke to the crowd and everybody else were happy. And I can free my tears. Who will know that it’s because I’m in great pain? I just had a great laugh and everybody would think that it’s tears of joy. Perfectly deceiving, isn’t it? I was so damn good in doing it!
I forgot it all. And I did a lot of confession. It became a little bit lighter for me but I never realize how much weight it would be for the people involved. I confess things that the high school me would just burry in the depths of sleep and unintelligible writings. Now I feel like a disgrace to that kid. If I would be splitted into two, and I will be talking to my 15-year-old self, I’ll get a real hard kick on my ass. I can almost hear her say, ”What the hell! Look what I’ve become, you, fartknocker! Oh… I’m gonna be a terrible bunghole two years from now…” And I would answer, “Yeah you’re right. It’s better if you would kill me now. Kill me. Kill me now! Grab an ax and bring me down to pieces little self, come on!” And then we will both realize that there isn’t any ax in the room and she would be really pissed out. She would get that bbq stick I can see, from my school project on the table and dig it right through my head. And she would do it several times. I would be so sorry then. I can't sue her for two things. First, there isn't any assault for "other self murder" and second, I'm dead.
Oh, good thing, I don't have to worry about it. Quite impossible. haaay..
[sigh]
[sigh]
[sigh]
[sigh]
[sigh....]
[more sighs...]
Yeah, I'm so I don't know now. Insipid. Insane.
ANG GIRLFRIEND KONG BADUY (Nobel Prize Winner II)
May 14, 2008 at 10:24 pm
Isang araw. Isang text. Isang Noble Prize Winner* ang pinagmulan ng kuwento. Mula sa araw at text na yun, nabuo ang isa pang Noble Prize Winner na kwento --- at eto na ‘yun.
Napaka-ewan ng araw na yun, dahil namroblema ako sa pag-aaral ko at the same time sa pagsusulat sa pub, pero nakilala ko naman ang isang taong naging dahilan ng pagsusulat na ‘to. Nagsimula nga sa isang text, sa mga pangaral ni pareng Bob Ong, sa sinulat ko sa tinta** [na nabasa niya dahil binigyan siya ng kopya ng isa naming common friend na itatago ko sa pangalang ate Lei], at kung anu-ano pa na di ko na mashadong maalala. Basta, ngayon, masasabi kong naging umpisa yun ng magandang pagkakaibigan [pag-kaka-ibigan] nyahaha. Yeeessss.
mush·y [múshee], adjective - weakly sentimental
Si Mushy. Siya ang kaibigan na tinutukoy ko. Jologs siya, kaya baduy, kaya ang girl-friend kong baduy. Hahaha. Baduy man si mushy, marami naman akong natutunan sa kanya:
*Walang masama at di nakakahiyang maniwala pa rin sa famous slogan na: ALL WE NEED IS LOVE. J
*Hindi lahat ng pagmamahal ay masusuklian --- pero hindi 'yun dahilan para hindi na tayo magmahal uli.
*Hindi masamang magpahinga pag napagod. Pwedeng mag-laylo. Tapos go go go ulit. Walang magandang maidudulot ang bumigay ng basta basta lang dahil paniguradong ikaw din ang lugi nyan…
*Ang lahat ng tao ay may problema. Ang problema nga lang ng ilan, di nila maamin na may problema sila. [ARAY! Alam kong tama siya dun. Pero naisip ko, minsan hindi natin kailangan ang tulong. kailangan lang natin ng batok plus yakap at tenga ng isang mushy…bonus pa kung may free coke galing sa kanya! Ehem…]
*ANG BASTA.
Ang “basta” ay hindi basta lang. Pag tinanong mo ang isang tao kung bakit ka niya mahal at “basta” ang sinagot, wag ka ng mangulit, dahil feeling ko kahit mismong siya di niya yun alam pano i-explain. Hahaha…basta lang. basta lang nga.
Pero sa ibag pagkakataon, pwede ring ganito: pag tinanong ka raw kung bakit love mo ang isang tao, at “basta” ang sinagot mo, best answer daw yun [wahaha, kapit na ayan na ang mushy banat…5…4…3…2…]…kasi daw, ang d best na pagmamahal is the love beyong reason! [gross ba? Ahahaha, sorry, mush nga yun, sige pwede kang tumawa…pero totoo yun…mwahaha]
Pag tinanong ka naman kung bakit ka natawa at sagot mo ay “basta”, OK LANG YUN. Pero pag tinanong ka kung bakit ka nagpasalamat at sagot mo rin ay “basta”, HINDI PWEDE YUN. Kasi nga naman daw, pwedeng matawa ka sa isang bagay ng wala lang [tipong nyahahaha….sudden pause] pero ang magpasalamat ng wala lang [thank you for…uhm I don’t know…hehe…] UGH! Di ba anlabo?
Yan ang “basta”. Bow.
*hmm……MAGING MASAYA KA! Period. Ay exclamation point pala!
* kung mahal mo ang isang tao, dalawang bagay ang pwede mong piliing gawin: (1) Ipaalam mo sa kanya na mahal mo siya at importante siya sa’yo o di kaya (2) humalik-halik ka na lang sa picture nya forever…. So pano, san ka dun, walang-takot-style-choice number one or pathetic-wawa-choice number two? J Sagot: ________.
*kung may mga fans/stalkers ka, eto ang tested & proven teknik: pulbusin ang mga fans/stalkers sa pakikipaglaro sa kanila tapos... SUDDEN DEATH! Patayin mo ang kanilang pantasya! Tapos makipaglaro ka uli, hide and seek, let them count to billions! Ahahaha.. Pero, ingat, may tendency ding ikaw ang madurog.
*silly question of the day: bakit tinawag na tasty ang tasty bread when it tastes like nothing?
Sagot niya thru text: it tastes like wheat din naman ah? Pero yung ‘tasty’ hmph, advertisement lang yun…catchy name. bibilhin mo dahil TASTY nga raw…sino ba naman ayaw ng malasang tinapay? Pero pag binili at tinikman mo na, hay naku, grrrr, tasty mong mukha mo!!!!
*Ok lang, sumagot ng mga silly questions. Hindi ibig sabihin nun silly ka. [medyo lang. ..Ahaha…sabi niya, pang stimulate ng silly grey mater din yun…ahahaha….No harm at all. Cute.]
*Maging matapang. Pero wag magtapang-tapangan. Maraming tao ang gustong tumulong at magpasaya sa bawat taong katulad mo. Minsan ang kelangan mo lang talagang gawin ay humiling at magsalita --- It's not a test of pride. It's what you call, learning to trust others.
* kung may nararamdaman ka sa isang tao, ipakita mo na lang nga kasi ang pagmamahal mo. Pero kung di mo maexpress ang nararamdaman mo, daanin mo na lang sa mura [Ugh! NAKANAMPUCH!]. Ano ba mas maganda, minumura o minamahal? Hahaha. Labo! Pft.:p
Sa loob ng saktong isang buwan mula nung napaka-ewan na araw na yun, yan lahat natutunan ko. One way or another, malaki ang maitutulong niyan sa'kin sa hinaharap, alam ko. Umaasa ako na sana sa'yo rin may naitulong ito, para naman nagkasilbi ang effort mo sa pagbabasa ng post na 'to [salamatonon palan sa pagbasa!]
Hmmm, sino kamo ang girlfriend ko? Itago na lang natin siya sa pangalang Jen Arbo. [ahahaha. tagong tago] - ang pinakabagong Noble Prize Winner***
*unang article na gawa ko sa TINTA
** lit folio ng university namin, abangan sa susunod na post ang buong storya
***mga taong tiyak na magiiwan ng bakas sa buhay ni elai, sa iba't ibang paraan at larangan
[original post: May 2, 2008]
ME AND MY TYPICAL DAY
February 12, 2008 at 1:40 am
AND A QUESTION OF HOW THIS YEAR'S VALENTINES DAY WOULD BE..
Im a freshman college student, with all the due, paper works, frustrating test papers, love letters, and pimples. I live in a boarding house with all my gorgeous boardmates and my best pals - Ate Bikan and Ate Ann.
A thing that would start my typical day would of course a typical morning, with a typical pandesal and a typical tuna spread. I don't take my vitamins in the morning because the doctor said it will make me feel sleepy during my class hours. I take it at night before i sleep. Good results!
I'm really into gaining weight right now because lately I've been so sickly. And I'm just losing a lot in school.
Two days and its Valetines. I wonder how it would look like to many college students. Because in High School, we used to eat on cheap but good food chains - well at least we make a lot of fun.
I wonder how my high school pals would be celebrating this year's heart's day. I don' t typically believe in celebrating Valentines Day with just your boyfriend or girlfriend. You could have it with your parents, family, bunch of friends, teachers just all the people you got in your heart. The more the merrier. That's typical to me.
Well, you know, I confess, I'm gonna miss a lot of goons this Valentines. I'm gonna miss the guy next door who gave me chocolates last Valentines. I love the smell of those. Hmmm... Yum, yum, yum. Thank you! I miss you honey!
We have our anatomy on February 14. That's really tough. We'll be having a practical examination. Uh oh!..
But that's how it goes - practical exams every week. That's typical. you see, you would endure sleepless nights and earn a flat [fleht] 3 - WICKED! just enough to pass the line. Woooh! Very tough but as i said, It's typical.
At mid-day we enjoy a heaven lunch at a nearby canteen, with all it's bottom cent price, good student price (when you say good student price it's automatically CHEAP - haha). I eat with my best laughing buddies in the nursing school, Ayen (she has some Chinese blood in her veins, she's a good laugh!), Bijo (short for Baby Jo whom i believe so much to be lovely right now), Mary Mae (whom we brutally call Daday, she's got a hell of a laughter too) and Maj (Marijoy, we wonder how happy her parents were when she was born having her named as Mari and Joy). That's our gang - the quadroplets and the mother hen. Keep guessing who's who, i wont be elaborating it.:) Zaido!:p
My typical day would end with a typical sigh. And some few little following sighs - one for exhaustion, one for grief, one for aching toes and one for great deal of homeworks. But then I would go to the bathroom and drink some water and I would smile and say that I learned a lot of things today. Yes, true. I always come to that. School is tough but it taught us a lot. We might not be aware but hey come to think about it, if we learn 5 things a day and a week is composed of 5 or make it 6 school days, that will keep us from being ignorant for bouncing 120 things a month! Cool!
I rest in my typical bed every night, with my typical pillow (two - one for the poor head the other for my thankful feet), with a pair of my new bedsheets and blanket, with typical good nights, typical prayer of thanks and wishes, and a typical hope that tomorrow would just be as good as this typical day..
MIDTERM MADNESS
August 22, 2007 at 3:46 am
Midterm is nearing to hit me. I didn't foresee it would be coming so soon. Well, I think it's quite high time to reflect some adorable (if there is) and not so adorable things I've done over my first quarter in the university living away from my parents.
First week, I got robbed at my boarding house. I find it silly to cry but I did. I think I just missed everybody way back home and it was intensified by the thought that I have doubtful mates, sadly. I've adjusted so much. I'm not good at it. I'm glad to have some old high school pals around and the centree which shed me a little welcome-to-the-university comfort. That's no wonder, it became my second favorite place in the campus. I buy a lot of Choco Muchos in the stalls under it. Though some caused serious infection in my throat, they make me feel good. Indeed, Willy Wonka was right when he said that chocolate produces phenylethanyl which is the same substance produced when you're in love. I'm loveless, you see, but I don't feel like I am. (laughs) I really miss high school.
Madam Nel who’s greatest joy in life is grammar and a self-confessed literature leech, bet that I’ll miss her. That’s really obvious. I tried out for the university paper because she and Madam Bevs believe that we have writing potentials. I’m afraid, for three years of serving our school, I’m still a novice because until now I found some matter in journalistic writing still strange. The required articles on the screening are surprisingly intermediate, I just lacked time. I submitted few of the most dreadful articles I ever made. And I would be ashamed to read it again.
Accidentally, (laughs) I qualified. At first, I was glad because my professors recognized me easily. My psychology professor knows me by name (though she mispronounces it) because of the excuse letter issued upon my first assignment. But I realized that it’s far more than having the recognition. Service. Our editors are the coolest people in the school for me, and that building (CAL) became my favorite place in BU.
There came our first laboratory. Dry lab in Chemistry. I broke a ceramic spatula. Clumsy creature. My professor remained calm about it, which gave me the idea that it happens most of the time. But with due penalties, I have to answer the laboratory technician for a replacement.
I call it a series of unfortunate events because the next school day I got my lowest grade in college. 79. Logic quiz. And I lost a hundred. The newly, on-time but “not so excellent” posted wall news gave me a cheerful relief. Even without my name on it, I feel extraordinary boastful over my lungs. I’ve written an article there, hey! Who cares if I’m 79 in Logic yesterday? But you know, the credit is greater if it’s just between you and your lungs.
The sum of my recitation in English was fine. But fine isn’t enough. Amph. I need to hit the air more than usual so that I can catch up a fair hundred points before the week after.
I’ve been enjoying some company, too. The serious and grumpy faces during the first weeks of the semester suddenly changed to wacky and friendlier smirk. I love being here. I’m proud of this university. I got my library card, my favorite stuff this week, you know. I have my high school picture stuck on it. Plain and pure. Reminds me of how demure I’ve been.
We’ve spent a lot of time in the library this week. That’s very lucky that the four of us, Mark, who acts and somehow looks like Marlon, Alchi, who almost memorized Lindsay’s lines in Mean Girls and Vanna who encoded the script in less than a break finished it before Friday. If not, well, we’ll spoil the declared HOLIDAY.
That’s really not a good idea, intolerable. Since nobody wants an overtime (without even a pay!),‘t was done beforehand. Cheers!
I finished three books. Of course, The Half-Blood Prince is the best among them. Thanks to my editor for lending me the book. It was remarkable. I’ve break a record, too, finishing James Patterson’s Sam’s Letters to Jennifer in 24 hours. And I hold it responsible for a dizzy day after. Coelho’s The Alchemist is also good. Very intellectual.
Take note, INTELLECTUAL became my favorite word. I use it to describe things that can’t be understood by superficially looking at it. I use it to describe girls who sit in the library alone and produce tears while appearing not to cry. I use it to describe myself. You know, it’s easy to look happy than to explain why you’re lonely. But it’s even harder inside and only an intellectual can do that.
I had allergies which we misinterpreted to be measles. I never knew in my history that I was allergic with shrimp. Bizarre. I’m a bit well. I’ve been missing so much of the outside world, peers, Choco Mucho, funny jokes, not so funny jokes and my responsibilities.
The slogans I’ve seen lately are amusingly clever, I can’t help but snort. These are some, “They laugh at me because I’m different, I laugh at them because they’re all the same”, “Ang lason ba pag expire na, lason pa rin?” and the slogan of all time, “Approximately, 2.” Hahaha…
This quarter gave me a lot of things to laugh about and more things to feel bad with, too. I thank Him for all of them, though. “He grant me the serenity to accept the things I cannot change, the courage to change the things I can, and the wisdom to know the difference.” He will always be my Master and in His hands I am strong – until the next quarter and the next and the next.
:) Wink*