Sunday, March 29, 2009

Lipat-Bahay Syndrome

Natapos nanaman ang isang taon ko sa college.
Nagiimpake na ako pauwi.
Tapos nalungkot ako bigla.
Kaya naalala ko nanaman magsulat.
Madami lang ako mamimiss siguro sa taong ito.
Gusto ko sila isulat para hindi ko makalimutan.
Madalas mangyari na malungkot ako pag gantong pagkakataon.
Madalas ko din makalimutan ang mga bagay bagay kaya isusulat ko yung mga gusto ko maalala.

Lipat-bahay syndrome.
Ayos lang. Di na bago.

Yung mga di ko na gagamitin sa summer duty bibitbitin ko na pag-uwi ko bukas.
Mga hand-outs sa OB at Pedia,
na gusot gusot na dahil madalas ako makatulog nang hawak sila pag nagrereview ako.
Yung dalawang subject na yun ang peyborit ko ngayong sem.
Red sneakers ko.
PE uniform, dahil tapos na akong mag-PE.
Yung ibang CDs ant mp3s, na naging indicator ng kalungkutan ko.
Madalas hindi ko alam na malungkot ako.
Magpapatugtog lang ako.
Minsan tinanong ako ni Ate Tin kung nalulungkot ba daw ako.
Sabi ko, bakit.
Kase daw nagpapatugtog nanaman ako.
Tsaka ko lang din naisip na malungkot nga ako pag naalala ko magsound trip.
Ngayon, nakikinig lang ulit ako ng isa sa mga CD ko.
Naiisip kaya ulit ng roommate ko na malungkot ako?

Si Ate Tin.
Roommate ko.
Tinatago niya ang Abba at Barry Manillow CDs ko.
Paulit-ulit ko kasi yun pinapakinggan at nabubwisit sya sakin.
Hindi niya din gusto minsan takbo ng utak ko.
May super sensitive receptor sya sa pakiramdam ng mga tao sa paligid niya.
Alam nya kung kelan malungkot ang bata.
Alam nya din kung paano mapapakain ang bata pag malungkot.
Ganto yan:

Tin : Halika na, bebe ko, kain na tayo.
Bata : Di ako nagugutom.
Tin : Anong kinain mo?!
Bata : Milo.
Tin : Milo. Gusto ma mag-inang sampal?
Tumayo ka na dyan, Eleanny ha. Bibili tayo ng pagkain.

OK lang lahat ng kaartehan ko sa kanya.
Isa lang ang batas niya.
WAG MAGPAPALIPAS NG ORAS NG PAGKAIN.

[...]

No comments:

Post a Comment